25 & A HALF {Far from a true story, really!}
GUY(normal text)
GIRL(italic text)
Hayyy, ano na naman kaya tasks na ibibigay sakin ngaun. Sana naman yung may alam ako..
[Para!] Masikip na pala tong jeep. Saan kaya ako uupo?
Hmm? May chics!? San kaya siya uupo? Uusod nako para dito siya sa tabi ko. Oh? Ba’t ka lumagpas?
Oi. May pogi pala dito. Masyadong obvious pag tatabi ako sa kanya. Ok na rin dito, medyo tapat kami ng upuan. At least, nakikita ko siya.
Dito ka na lang sana sa tabi ko. Sayang. Miss, gusto kong magpakilala sana.
Pwede na to. Hm? Ah, nakatingin siya dito. Sa akin? Ngitian ko na lang. Teka, tama ba? Baka masyadong halata. Lingon muna ako sa labas... Traffic pala. Buti na lang maaga ako ngayon. Kailangan ko pa iprepare yung slides para sa meeting. Ba’t pa kasi bumisita pinsan ko kagabi. Ayan tuloy walang nagawa kundi magkwentuhan. Buti pa siya masaya sa bagong BF niya. Hayyy, ako ba? Magsisix months na nga ba? Ang bilis. Puro trabaho inaatupag ko. Nakailang date na rin kaya ako? Hanggang dun lang rin naman talaga muna kasi. Hindi ko pa nakikita yung tamang guy para sakin. Siya kaya? May hikaw, mukhang tigasin. Pero ok naman. May itsura.
[Nakayuko] Waa, tumingin siya. Ganda ng ngiti niya. 9.5 na! Hehehe. Pero mukhang suplada. Ok lang. Mas maganda yun, mas challenge. Nagka-GF nako ng mga suplada dati, dalawa pa dun model. Eh ang babait pala. Sabi nga nila, front lang daw nila yung pagiging ganun. Besides, alam na nila most of the guys may gusto sa kanila, so pinipili lang talaga nila yung seryoso sa sa kanilang tingin. Hahaha! Natutuwa ako habang inaalala ko sinabi nila. E hindi naman ako nagging ganun ka seryoso sa kanila. Ba’t nila ako pinatulan? Sabi nung isa, ‘Hindi lang din naman kasi kami yung tipong tamad na maghihintay na lang ano na hintayin si Prince Charming. Hehehe. May mga tipo din kami syempre. Ako mas gusto ko yung hindi head-over-heels sa akin. O kaya yung sobrang nagpapapansin. Ikaw, di ka tulad nila ng ibang guys. Hindi lang yung ganda ko yung nakikita mo. Mas kilala mo ako bilang isang tao at babae. Besides, ok ka naman. Good-looking, at matalino pa!’ …Nakakataba ng puso. Di nila alam, napakatorpe ko nung high school. Hahaha.
Ba’t kaya siya ngumiti bigla? Hmm. Sa mga nakasakay ngaun dito sa jeep, siya na yung pinakatipo ko.
Pakiabot nga po ng bayad. Ayala lang.
Ako na kukuha. Dapat pasimple lang. Di kita titignan... Bayad ko nga din pala. [aabot sa purse] Pakiabot din po. Bayad.
Sayang. Di ko man lang nadaplisan na aking kamay yung kamay niya. Ngitian ko na lang ulit para magpasalamat…
[Tingin sa likuran ng jeep, may bagong pasahero?] Oi, gwapo…heheh Hmm, feeling ko nakatingin sa aming dalawa. Ba’t pa kasi tumabi sakin? Huh? [Saan ka ba bababa?] Ahh, Herrera. [Ako din. Ako nga pala si Eugene.] Hi, Tina.
Hm? Naririnig ko boses niya..Tina?[lumingon] May kausap siya?! Sino ‘to? Kung makadiskarte parang kung sino. Pero artistahin talaga dating. Hmm, ba’t naman kasi magkatabi sila. Oh well, ganun nga talaga siguro lovelife. Gwapo loves maganda, average loves average, tapos pangit tsaka pangit yung nagkakatuluyan..hehehe
Nakatingin siya dito? Naiinggit? Nagseselos? Nakangiti?!
Ah, nahuli akong nakatingin. Dapat di halatang naiinggit ako. Wala rin naman akong magagawa, mas malapit yung gwaping kaysa sakin. Sayang, gusto ko pa naman sana talagang makipagkilala sa kanya. Pero ganun talaga, pag magaganda, maraming kaagaw sa atensyon.
[Herrera din ako bababa. Sa may LKG kasi ako nagtatrabaho. Ok lang ba sabayan kita?] Ok lang. Ba’t ganun? Lugi talaga kami mga babae. Yung mga hindi namin gusto, yun pa yung dumidiskarte sayo. Siguro kaya ako tinawag na suplada e dahil sa sinasabihan ko agad sila kung ayoko sa kanila. Eh sa ayaw mo nga naman talaga, may magagawa pa ba ako? Kung lalapitan naman namin yung tipo naming lalake, tatawagin kang malandi. Ano magagawa namin mga babae? Maghintay?
Balik na lang uli ako dun sa kunwaring tulog para di ko na sila pansinin. Nothing I can do here anyways. Naalala ko ulit tuloy torpe days ko dati. Ba’t ba naman kasi ma-inlove ka, doon pa sa maganda? Alam mo namang marami ding nagkakagusto sa kanya. Pati barkada mo magiging karibal mo. Ano ba magagawa ko? Kahit feeling ko pa na may gusto siya sakin, hanggat di ako nakakasiguro, hindi na muna ako kikilos. Ayan tuloy, naging magjowa sila ng barkada ko. Hayyy, ewan..ganun nga talaga siguro. Kung ako yung gusto niya, hinintay niya muna dapat ako. Kung para kami sa isa’t-isa, kami din talaga magkakatuluyan sa bandang huli. Hayyy, pag-ibig nga naman talaga, oo. Bakit pa kasi kami mga lalaki ang kailangan maunang kumilos? Kayo naman kaya mga babae ang manligaw sa amin? Nang matuto kayo kung gaano kahirap eto gawin, at kung gaano kasakit masaktan at mawalan ng loob pag nabasted. Sumisigaw pa kayo ng equal rights, yun pala nasa sa inyo na pala, di niyo lang ginagamit. Kung gusto niyo isang lalake, kumilos na kayo at huwag nang maghintay. Anong malandi sa pag-aamin ng inyong nararamdaman? Hindi niyo ba napapansin kung sinong tumatatawag sa inyo ng ganun? Mga kapwa niyo rin babae na naiinggit sa katapangan niyo! Tsaka hindi lang sa West o kaya Europe, pati ibang conservative countries mga babae na yung nagfifirst move. Sa Japan nga, tradition na nila to give (or even bake) chocolates sa gusto nilang lalake. Sana ganito rin dito sa Pinas…
[Meron bang Herrera? PBCom?] Meron po. Para!
Wah!!! Dito ka na bababa? Baka matagal pa bago ulit tayo magkikita. Isa lang alam kong gagawin sa mga ganitong sitwasyon. **wink**
Paalam na diyan pogi. Huh?! Kindat ba yun? Sakin? Hehehe How cute.
Ayos ngumiti. See you when I see you.
[More than 25 mins of jeep ride, bumaba sa RCBC] Ok work na ulit focus. Maganda umaga ko ngayon, feeling ko buong araw ang swerte ko nito. [Papasok sa GT. Oh Accenture, bida syempre.;p]
[Sa may elevator] Ikaw?
Ikaw? [Kawayan ko na] Hi, I’m Kristina.
I’m Richard.
